BEAUTY PAGEANTS

Bb. Brgy. Pilipinas 2022, inilunsad ng BRGY TV at ALTATIS magazine

Advertisements

Sa pakikipagtulungan sa ALTATIS magazine, inilunsad na ng BRGY TV ang kaunaunahang edisiyon ng Binibining Barangay Pilipinas. Ito ay isang online beauty pageant na para sa bawat dalagang matapang, maganda at Pilipina.

.

Ano ang Bb. Brgy. Pilipinas?

Ang Bb. Brgy. Pilipinas ay nilikha bilang tugon sa pangarap ng bawat Pilipinang gustong maging beauty queen pero hinahadlangan ng new coronavirus (COVID-19) pandemic. Lahat ng mga ganap sa patimpalak ay gagawin online.

Adbokasiya ng Bb. Brgy. Pilipinas ang pagpapahalaga sa demokrasiya para sa payapa at malayang bansa. Naniniwala ang patimpalak na anuman ang estado sa buhay, bawat Pilipino ay may pantay-pantay na karapatang makatanggap ng tulong mula gobyerno at pare-parehong kalayaang magpahayag ng mga opinyon kahit magkakaiba. Ito ang kagandahan ng demokrasiya.

Sina BRGY TV founder and president Edmund Dreu Santiago at ALTATIS magazine editor-in-chief Conviron Altatis ang mga founders ng Bb. Brgy. Pilipinas. Si Santiago ang presidente ng patimpalak at si Altatis ang bise presidente.

Binibining Barangay Pilipinas 2022

Sino ang mga puedeng sumali sa Bb. Brgy. Pilipinas 2022?

Maari kang sumali sa Bb. Brgy. Pipinas 2022 kung ikaw ay:

  • Filipino citizen
  • single
  • 18-30 taong gulang
  • may good moral character
  • naniniwala sa demokrasiya

.

Paano sumali sa Bb. Brgy. Pilipinas 2022?

Kumuha ng tatlong (3) photos:

  • PHOTO 1: Kunan ng photo ang isang valid ID na may picture at full name mo. (Katibayan lang ito ng iyong identity at hindi gagamitin ng BRGY TV at ALTATIS magazine sa anumang layunin online.)
  • PHOTO 2: Magsuot ng purong puting shirt. Minimal o zero makeup. Kumuha ng selfie sa lugar kung saan nasisinagan ng araw ang iyong mukha. (Gagamitin ito bilang official photo kung makapasok ang candidate sa quarterfinals.)
  • PHOTO 3: Magsuot ng kahit ano. Mag-makeup ka. Kunan ang sarili ng whole-body picture. (Gagamitin ito bilang official photo kung makapasok ang candidate sa semifinals.)

Ipadala ang tatlong (3) photos sa brgytv2019@yahoo.com on or before April 10, 2022. Sa message, isulat ang mga sumusunod na detalye:

  • FULL NAME:
  • BIRTHDATE (Month, Day, Year):
  • PROFESSION:
  • CURRENT RESIDENCE (Barangay, Municipality/City, Province):
  • BIRTHPLACE (Barangay, Municipality/City, Province):
  • FATHER’S BIRTHPLACE (Barangay, Municipality/City, Province):
  • MOTHER’S BIRTHPLACE (Barangay, Municipality/City, Province):

Priority na irepresenta ng kandidata ang barangay na kasalukuyan niyang tinitirhan. Susunod ang kanyang barangay ng kapanganakan o barangay ng kapanganakan ng mga magulang. Kung may mga kandidatang pareho ang barangay na nirerepresenta, ia-assign ng BRGY TV at ALTATIS magazine ang ibang barangay batay sa mga detalyeng binigay.

Aariin ng BRGY TV at ALTATIS magazine na wasto ang bawat detalyeng binigay ng mga applicants. Kung mangyaring mapatunayang may hindi totoo sa mga detalyeng ibinigay, matatanggal ang kandidata kung nasa gitna pa ng patimpalak o matatanggalan ng titulo kung nanalo na.

Sa April 11, 2022, iaanunsiyo ang Top 50 official candidates sa isang ALTATIS magazine article at ipo-post ang mga photos nila sa Facebook page ng BRGY TV.

.

Paano manalo sa Bb. Brgy. Pilipinas 2022?

Maglalaban ang mga kandidata sa tatlong (3) rounds. Sa bawat round, kailangang magpadala ang kandidata ng isang (1) video na may habang 60-90 segundo kung saan sasagutin ang isang kontrobersiyal na tanong.

  1. Quarterfinals: Sagutin ang tanong habang nakapambahay at gumagawa ng gawaing bahay. Labinlimang (15) kandidata ang pipiliing magpatuloy sa semifinals. Sila ang limang (5) kandidatang may video na may pinakamataas na views sa BRGY TV Facebook page at sampong (10) napili ng mga hurado. Ang kandidatang may pinakamaraming likes sa official photo umabot man sa semifinals o hindi ang Miss Photogenic.
  2. Semifinals: Sagutin ang tanong habang suot ang paborito mong damit. Sampong (10) kandidata ang pipiliing magpapatuloy sa grand finals. Sila ang limang (5) kandidatang may video na may pinakamataas na views sa BRGY TV Facebook page at limang (5) napili ng mga hurado.
  3. Grand Finals: Sagutin ang tanong habang naka-formal wear. Tatlo ang kokoronahan: isang main title (Bb. Brgy. Pilipinas 2022) at dalawang secondary titles (Bb. Brgy. Malayang Pilipinas 2022, Bb. Brgy. Payapang Pilipinas 2022). Ang kandidatang may video na may pinakamaraming views sa BRGY TV Facebook page ang People’s Choice.

.

Ano ang mga premyo sa Bb. Brgy. Pilipinas 2022?

Sampo (10) ang maglalaban sa grand finals. Lahat ng finalists ay mabibigyan ng espasyo sa ALTATIS magazine. Tatanggap ang main titlist at dalawang secondary titlists ng cash prizes at sash. May cash prize din ang finalist na pinakapopular sa social media account ng BRGY TV at ang kandidatang may official photo na may pinakamaraming likes.

PLACEMENTCASH PRIZEALTATIS magazine article
Bb. Brgy. Pilipinas 20225,000 pesos + sash, certificate5 articles
Bb. Brgy. Malayang Pilipinas 2022
(runner-up)
2,000 pesos + sash, certificate2 articles
Bb. Brgy. Payapang Pilipinas 2022
(runner-up)
2,000 pesos + sash, certificate2 articles
BRGY TV People’s Choice1,000 pesos + sash, certificateN/A
Miss Photogenic1,000 pesos + sash, certificateN/A
7 finalistsN/A1 article each

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.