basketball

Ginebra San Miguel jerseys nina LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, inilunsad

Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson, Mark Caguioa
Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson, Mark Caguioa

Inilunsad na ng Ginebra San Miguel ang pinakabago nitong promo, kung saan, ang sino mang lalahok ay magkaka jersey at cap na, makakatulong pa sa iba. Sa Bagong Tapang sa One Ginebra Nation jersey and cap collection promo, maaaring makakuha ang basketball fans ng cap o jersey ng kanilang paboritong manlalaro mula Barangay Ginebra San Miguel.

Bahagi ng malilikom sa promo ay mapupunta sa ilang komunidad na lubhang naapektuhan ng pandemya. Sa virtual launch na ginanap noong April 22, 2021 na ipinalabas sa Ginebra San Miguel Facebook page, ipinakita ang bagong design tampok ang mga jerseys nina LA Tenorio (5), Scottie Thompson (6), Stanley Pringle (11), Japeth Aguilar (25) at Mark Caguioa (47).  

.

Sa naturang virtual launch, inihayag ng PBA bubble 2020 Philippine Cup champions ang kanilang pagnanais na makasamang muli ang mga die-hard Barangay Ginebra fans. Sabi ni Tenoriom “Ang Ginebra fans, ibang level talaga.”

“May PBA man o wala, nararamdaman namin na nandyan sila at sumusuporta sa amin,” patuloy ni Tenorio. “Sa kanila kami humuhugot ng lakas. Sila ‘yong sixth man namin. Napag-usapan ng team na ‘yong ginagawa namin ay para sa fans at para magbigay inspirasyon lalo na sa panahon ngayon.”

.

Binigyang-diin naman ni Ginebra San Miguel general manager Noli Macalalag ang kahalagahan ng pagkakaisa sa panahon ngayon kaya naman nakipagsanib-puwersa ang Ginebra San Miguel Inc. sa Gawad Kalinga upang matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya, partikular ang mga komunidad ng magsasaka sa Sariaya, Quezon at mangingisda sa Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal. Sabi niya, “Nawa’y mahikayat namin kayong mga kabarangay na isabuhay ang Bagong Tapang at sa pamamagitan nito ay magsilbi rin kayong inspirasyon sa kapwa.” 

.

Para makasali sa Bagong Tapang sa One Ginebra Nation jersey and cap collection promo simula sa May 1, 2021, mangulekta lamang ng anim na selyo o cap ng kahit na anong kombinasyon ng Ginebra San Miguel, GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin at Primera Light Brandy at maaari nang makakuha ng limited edition One Ginebra Nation jersey sa halagang 100 pesos o limited edition One Ginebra Nation cap sa halagang 150 pesos. Ang mga ito ay puwedeng ma-redeem sa inyong paboritong Puregold outlets at iba pang authorized redemption outlets sa buong Pilipinas.

Para masigurong orig o tunay ang mga mabibiling jersey at cap, hanapin lamang ang authentication patch na makikita sa kaliwang ibabang bahagi ng jersey o authentication sticker sa cap. Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa Bagong Tapang sa One Ginebra Nation jersey and cap collection promo, mag-log on sa www.ginebra.com.ph o sa official Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/barangayginebra o tumawag sa customer care hotline na 8632-2564.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.